Inilabas nitong Martes, Hulyo 28, 2020, sa website ng magasing "Nature Microbiology" ang resulta ng pananaliksik ng isang grupong pandaigdig, at ayon dito, ang SARS-CoV-2 na sanhi ng pagsiklab ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay mutasyon ng isang kahawig na virus.
Ayon pa rito, sa katunayan, ang lineage ng ganitong uri ng virus ay kumalat sa pagitan ng mga kabag o paniki sa loob ng ilang dekada.
Sa tingin ng mga mananaliksik, napakahalagang mahanap ang pinanggalingan ng virus para makontrol ang pandemiya sa hinaharap.
Ayon sa ulat ng British Broadcasting Corporation (BBC), pinabulaanan ng resulta ng naturang pananaliksik ang mga conspiracy theory gaya ng ang virus ay nagmula sa laboratoryo, ang virus ay gawa ng tao at iba pa.
Salin: Vera