Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Editoriyal ng Lancet: Nilagom ang pakikibaka ng Tsina laban sa COVID-19

(GMT+08:00) 2020-07-25 21:32:52       CRI

Inilathala ngayong Sabado, Hulyo 25, 2020 ng magasing "The Lancet" ng Britanya ang artikulong nagsasabing bilang isang bansang may 1.4 bilyong populasyon at kasing kali ng saklaw ng buong Europa at Amerika, nakontrol na ng Tsina ang kasalukuyang kalagayang epidemiko ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa loob ng bansa. Anito, walang nagaganap na malawakang pagkalat ng epidemiya.

Anang editoriyal, nitong halos sampung taong nakalipas, namumuhunan ng malaki ang Tsina sa aspekto ng pag-aaral at konstruksyon ng pampublikong kalusugan sa bansa. Bunga nito, lubos ang nagawang paghahanda ng Tsina sa pagharap sa COVID-19.

Bukod dito, ipinalalagay ng editoriyal na nananatiling sulong ang Tsina sa aspekto ng pananaliksik sa bakuna. Sa pamamagitan ng mahigpit na kooperasyong panloob ng bansa, napakabilis at napakahigpit na isinasagawa ang mga kaukulang pag-aaral. Noong nagdaang Mayo at Hulyo, magkahiwalay na isinapubliko sa Lancet ng Tsina ang mga natamong bunga at progreso sa naunang pagsubok-yari ng bakuna.

Ayon sa editoriyal, ipinakikita ng karanasang Tsino na napakahalaga ng pamumuhunan sa sistema ng kalusugan at pananaliksik ng bansa, at mabisang pagpapataas ng kakayahan ng laboratoryo. Ito anito ay pundasyon ng pagsasagawa ng Tsina ng mabilis at mabisang reaksyon sa pangkagipitang pangyayaring pangkalusugan at pandaigdigang kaligtasang pangkalusugan. Napakahalagang karanasan ng mga ito para sa ibang mga bansa, partikular ng mga low at middle-income countries.

Samantala, ipinakikita rin ng karanasang Tsino na sa pundasyon ng puspusang pag-aaral, dapat gawin ng malakas na liderato ang tumpak na desisyon sa pamamagitan ng siyentipikong pagtasa. Ito ang mahalagang dahilan ng mabisang pagkontrol sa pandemic ng COVID-19. Diin pa ng editoriyal, dapat igalang ng pamahalaan at mga lider ng bansa ang siyensiya at lubos na unawain ang halaga ng siyensiya para kumilos laban sa epidemiya sa pinakamabuting paraan para sa lipunan.

Dagdag pa ng editoriyal, sa harap ng pangkagipitang kaganapang pangkalusugan sa buong daigdig, kailangang palakasin ng iba't-ibang bansa ang kanilang kooperasyon at magkakasamang harapin ang kanilang komong hamon.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>