Iniharap Hulyo 30 ni Pangulong Donald Trump ng Amerika na ipagpaliban ang halalang pampanguluhan na nakatakdang idaos sa Nobyembre 3, 2020, dahil ipinalalagay niyang pwedeng magkadayaan sa paraang "universal mail-in voting."
Sa mensahe na ipinalabas kahapon sa social media, sinabi ni Trump na kung isagawa ang mail-in voting, ito'y magiging "pinakamali at puno ng pandarayang halalan" sa kasaysayan ng Amerika. Iminungkahi niyang ipagpaliban ang botohan hanggang magkaroon ng mas angkop at mas ligtas na paraan ng pagboto.
Agad na tinututulan ng Partido Demokratiko ang panukala ni Trump .
Ayon sa konstitusyon ng Amerika, ang mataas at mababang kapulungan ng kongreso ay mayroong kapangyarihan ng pagtatakda at pagbabago ng petsa, lugar at paraan ng halalang pampanguluhan, at walang kapayarihang dito ang Pangulo. Ayon sa batas na pinagtibay noong 1845 ng kongreso, ang araw ng pagboto ay nakatakda tuwing unang Martes ng Nobyembre ng taon ng halalan. Hindi maaaring baguhin ang persang ito maliban kung ipapalabas ang bagong lehislasyon.
Salin:Sarah