Kaugnay ng pananalita ni Kalihim Mike Pompeo ng Estado ng Estados Unidos hinggil sa paggamit ng high technology ng Xinjiang para sa surveillance, sinabi nitong Lunes, Agosto 3, 2020 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang mga hakbangin ng Xinjiang sa pagpapalakas ng social governance sa pamamagitan ng modernong teknolohiya ay sinisiraan ni Pompeo bilang surveillance na nakakatuon sa mga etnikong grupo ng gaya ng lahing Uygur.
Saad ni Wang, ito ay tikis na pagdungis sa Tsina at sa pagnanais na sirain ang kasaganaan at katatagan ng Xinjiang, at makialam sa mga suliraning panloob ng Tsina. Hinding hindi magtatagumpay ang kanyang tangka.
Ani Wang, ang pagpapataas ng lebel ng pangangasiwa sa lipunan, sa pamamagitan ng modernong teknolohiya at big data ay unibersal na aksyon ng komunidad ng daigdig. Layon nitong pigilan at bigyang-dagok ang krimen, at hindi nakakatuon sa anumang espesyal na lahi.
Dagdag ni Wang, nang mabanggit ang surveillance, ang massive surveillance ng Amerika sa pamamagitan ng hay-tek na paraan ay laging binabatikos ng daigdig. Kilalang kilala rin sa buong mundo ang pagsasagawa ng kaukulang organo ng Amerika ng malawakan, organisado, at walang pagkakaibang cyber theft, surveillance at attack sa mga dayuhang pamahalaan, kompanya at indibiduwal.
Salin: Vera