Bilang tugon sa di-pagbibigay ng panig Amerikano ng bagong visa sa mamamahayag na Tsino sa Amerika, ipinahayag sa Beijing nitong Martes, Agosto 4, 2020 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dapat agarang iwasto ng panig Amerikano ang kamaliang ito at itigil ang pulitikal na pagpigil sa mga media at mamamahayag na Tsino.
Sinabi ni Wang na kung kikilos ang panig Amerikano alinsunod sa kagustuhan nito, mapipilitang isagawa ng panig Tsino ang kinakailangan at makatwirang katugong hakbang para mapangalagaan ang sariling lehitimong karapatan at kapakanan.
Dagdag pa niya, ang kaukulang kilos ng panig Amerikano ay malubhang nakakahadlang sa normal na pagbabalita ng mediang Tsino sa Amerika, malalang nakakasira sa imahe ng mediang Tsino, at lubos na nakakapinsala sa normal na pagpapalitang pantao at pangkultura ng dalawang bansa.
Salin: Lito