|
||||||||
|
||
Nagbanta sa kanyang talumpati Agosto 3, 2020, ang lider ng Amerika na dapat ibenta ng kumpanyang TikTok ang negosyo nito sa Amerika bago Setyembre 15, 2020. Kung hindi, puwersahang isasara ito ng Amerika. Sinabi din niya na dapat makakuha ang pamahalaang Amerikano ang "commission" mula sa bentahang ito.
Ang panggigipit ng Amerika ay agarang nagdulot ng pagbatikos ng komunidad ng daigdig.
Ang katwiran ng naturang aksyon ng Amerika ay "seguridad ng bansa." Pero ipinalalagay din ng opinyong pampubliko sa mga kanlurang bansa na ito ay pekeng akusasyon na ginawa ng Amerika na naglalayong isara ang mga negosyong pansiyensiya at pangteknolohiya ng Tsina, at ilunsad ang "digmaang pangteknolohiya" sa Tsina.
Sa katotohanan, maraming ginawang pagtira ang ilang pulitikong Amerikano sa mga kompanyang Tsino nitong ilang taong nakalipas. Maliwanag ang posisyon ng komunidad ng daigdig na ang market-economy at pantay-pantay na komepetisyon ay kinakasangkapan lang ng ilang pulitikong Amerikano.
Ang kasalukuyang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay nagdudulot ng grabeng kapinsalaan sa kabuhayang Amerikano. Ang pagsasara sa negosyong Tsino ay hindi maaaring gumamot sa sakit ng Amerika, pero lalo pa itong makakapinsala sa kapakanan ng mga mamamayang Amerikano. Talagang kahihiyan ang ginawang ito ng Amerika.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |