Ipinahayag nitong Martes, Agosto 4, 2020 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na walang transparency, di-ligtas at di-makatwiran ang mga aktibidad ng militarisasyong biolohikal na isinasagawa ng Amerika sa maraming bansa. Hinimok ng panig Tsino ang panig Amerikano na komprehensibong ipaliwanag ang ganitong mga aktibidad nito sa ibayong dagat.
Diin ni Wang, hinihimok ng Tsina ang Amerika na batay sa bukas, maliwanag at responsableng atityud, tumpak na pakitunguhan ang pagkabahala ng komunidad ng daigdig, at gawin ang komprehensibong pagpapaliwanag sa mga aktibidad ng militarisasyong biolohikal nito sa ibayong dagat. Samantala, umaasa ang Tsina na totohanang ipatupad ang mga obligasyon ng Biological Weapon Convention (BWC), at itigil ang unilateral na paghadlang sa talastasan sa BWC verification protocol.
Salin: Vera