|
||||||||
|
||
Sep 15, 2020, ito ang deadline ng TikTok sa Amerika. Kung hindi ibebenta ang kumpanyang ito sa Amerika, isasara ng Amerika ang APP na ito na popular sa buong daigdig.
Ang panggigipit ng Amerika sa TikTok ay umani ng pagbatikos mula sa Europa. Sa isang statement na ipinalabas kamakailan, sinabi ng ByteDance, parent company ng TikTok, na isinasaalangalang nitong buksan ang punong himpilan ng TikTok sa labas ng Amerika. Ayon sa ulat ng media ng Britanya, ang bagong pipiliing lunsod ay posibleng London. Hinggil dito, ipinahayag ng tagapagsalita ng pamahalaang Britaniko na ang lokasyon ng punong himpilan ng ByteDance ay kapasiyahang komersyal ng kompanyang ito, pero ipinagkakaloob ng Britanya ang bukas at pantay na pamilihan at kapaligiran para sa anumang pamumuhunan na suportahan ang paglaki ng kabuhayan at employment.
Ipinahayag din ni Pangulong Donald Trump ng Amerika na dapat makakuha ang pamahalaang Amerikano ang "commission" sa bentahang ito ng TikTok. Sinabi ng Franfurter Rundschau, media ng Alemanya, na ito ay tipikal na "Trump's style" kung saan masama ang katwiran at ramdam ang agendang pulitikal. Sinabi ng komentaryo na sa darating na halalang pampanguluhan, tiyak na gusto ni Trump na alisin ang duda ng mga botante sa kanyang maling paghahawak sa pandemiya sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa pamamagitan nito.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |