Sa panahon ng kanyang pagdalo sa Aspen Security Forum, ipinahayag nitong Martes, Agosto 4, 2020 ni Scott Morrison, Punong Ministro ng Australya, na sa kasalukuyan, walang ebidensya ang nagpapakitang dapat isagawa ang ban sa TikTok sa kanyang bansa.
Dagdag niya, wala ring anumang palatandaan na nagpapakita na ang nasabing application ay nakapinsala sa kapakanang panseguridad ng Australya o indibiduwal na kapakanan ng mga mamamayang Australyano.
Diin ni Morrison, dapat magmatyag ang mga mamamayang Australyano, dahil bukod sa TikTok, maaaring makakuha ng maraming impormasyon sa mga user ang ibang social media platform na gaya ng Facebook ng Amerika.
Sa harap ng pagbabanta ng Amerika sa mga kompanyang pansiyensiya't panteknolohiya ng Tsina, walang balak ang tatlong malaking ekonomiya ng Europa na kinabibilangan ng Britanya, Pransya at Alemanya na isagawa ang ban sa TikTok.
Salin: Vera