|
||||||||
|
||
Ipinatalastas Agosto 7, 2020, ng Department of Treasury ng Amerika, na isasagawa ang sangsyon sa mga namamahalang tauhan ng mga organo ng pamahalaang Tsino sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), at mga opsiyal mismo ng HKSAR.
Ang aksyong ito ng Amerika ay isa na namang bastos na pakikialam sa mga suliranin ng HKSAR at sa mga suliraning panloob ng Tsina, at hayagang lumalabag sa pandaigdigang batas at pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig.
Lubos din nitong inilalantad ang masamang layon ng Amerika na sirain ang patakarang "Isang Bansa, Dalawang Sistema" at pigilin ang pag-unlad ng Tsina.
Pero hindi sila magtagumpay!
Sa katotohanan, ang mga nasa listahan ng sangsyon ng Amerika ay mga tauhang mabuting nagsasakatuparan ng kanilang responsibilidad sa pangangalaga sa seguridad ng bansa, buhay at kapakanan ng mga mamamayan, na kinabibilangan ng mga kababayan sa Hong Kong.
Lubos na ipinakikita ng katotohanan, na ang karahasan ay kikitil sa karapatan at kalayaan ng mga taga-Hong Kong.
Ang National Security Law ng HKSAR ay makasaysayang turning point na magpapabuti sa pamumuhay ng mga taga-Hong Kong at magbabalik sa normal na takbo ng pamumuhay sa rehiyon.
Sa Ika-44 na Pulong ng Konseho ng Karapatang Pantao ng United Nations na idinaos kamakailan, mahigit 70 bansa ang nagpahayag ng suporta sa National Security Law ng HKSAR.
Ito ay lubos na nagpapakitang sa komong mithiin at makatuwirang paninindigan ng komunidad ng daigdig sa nasabing usapin.
Sa kabila ng mahigit 1,300 negosyo at 85 libong mamamayang Amerikano sa Hong Kong, patuloy na sinisira ng ilang pulitikong Amerikano ang "Isang Bansa Dalawang Sistema" at pinipigilan ang pag-unlad ng Tsina, upang maisakatuparan ang pansariling pulitikal na layunin.
Pilit nilang itinutulak ang relasyong Sino-Amerikano tungo sa mapanganib na kalagayan, at bilang resulta, napipinsala rin nila ang interes ng mga mamamayan ng kapuwa Tsina at Amerika.
Hindi pahihintulutan ng Tsina ang aksyong ito ng Amerika.
Walang saysay ang sangsyon ng Amerika!
Salin:Sarah
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |