Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Amerika,dapat itigil ang anumang opsiyal na pakikipagpalitan sa Taiwan - Ministring Panlabas ng Tsina

(GMT+08:00) 2020-08-11 16:55:24       CRI

"Laging tinututulan ng Tsina ang opisyal na pagpapalitan ng Taiwan at Amerika."

Ito ang ipinahayag Agosto 10, 2020, ni Zhao Lijian, Tagapagsalia ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang tugon sa pagdating sa Taipei Agosto 9 ni Alex Azar, United States Secretary of Health and Human Services.

Dagdag ni Zhao, inilahad na ng Tsina ang solemnang representasyon sa Amerika hinggil dito.

Binigyan-diin niya na ang aksyon ng Amerika ay malubhang lumalabag sa panganko nito sa isyu ng Taiwan, na pinakamahalaga at pinakasensitibong isyu sa relasyong Sino-Amerikano.

Ang prinsipyong "Isang Tsina" ay pulitikal na pundasyon ng relasyon ng Tsina at Amerika, aniya pa.

Hinihimok aniya ng Tsina ang Amerika na sundin ang prinsipyong "Isang Tsina" at regulasyon ng tatlong Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerika, agarang itigil ang anumang opisyal ng pagpapalitan ng Amerika at Taiwan, huwag pataasin ang aktuwal na relasyon ng Amerika at Taiwan, at maayos na hawakan ang isyu ng Taiwan, para maiwasan ang grabeng kapinsalaan sa kooperasyon ng Tsina at Amerika sa mahahalagang larangan, at kapayapaan at katatagan ng Taiwan Straits.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>