Sinabi kamakailan ng embahador ng Amerika sa Brazil, na haharapin ng Brazil ang konsikuwensiya, kung pipiliin nito ang Huawei para sa pagpapaunlad ng 5G network ng bansa.
Kaugnay nito, ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang naturang aksyon ng Amerika ay nagpapakita ng hegemonismo nito.
Dagdag niya, ang aksyon ng Amerika ay pagtatangi sa ibang bansa sa pandaigdigang kooperasyong industriyal sa siyensiya at teknolohiya, at ito ay dapat tutulan ng iba't ibang bansa.
Salin: Lito