|
||||||||
|
||
Dumating nitong Sabado, Agosto 9, 2020 sa Taiwan, Tsina si Alex Azar, Health and Human Services Secretary ng Estados Unidos, at nakipagtagpo sa lider ng Taiwan.
Ang aksyong ito ay grabeng lumalabag sa diwa ng tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika, at salungat sa simulaing "Isang Tsina."
Dahil dito, nagharap na ng solemnang representasyon ang panig Tsino sa panig Amerikano.
Ang simulaing "Isang Tsina" ay batayang pulitikal ng relasyong Sino-Amerikano, at ayon sa tatlong magkasanib na komunike ng dalawang bansa, kinikilala ng panig Amerikano ang pamahalaan ng Republika ng Bayan ng Tsina bilang siyang tanging lehitimong pamahalaan ng Tsina, at pinananatili ang relasyong kultural, komersyal at iba pang di-opisyal na relasyon sa Taiwan.
Palagiang buong tatag na tinututulan ng panig Tsino ang pagpapalitang opisyal ng Amerika at Taiwan.
Bilang kalihim ng Amerika na namamahala sa mga suliraning pangkalusugan, ang kasalukuyang pagbisita ni Azar sa Taiwan ay ikinukubli sa ngalan ng di-umano'y kooperasyon kontra pandemiya.
Pero ang tunay na layon ay pagsasagawa ng mga aktibidad na pulitikal, pagpapataas ng relasyon ng Amerika at Taiwan, paghimok sa awtoridad ng Taiwan para hanapin ang pagsasarili sa pamamagitan ng pandemiya, at pagpapabango sa pangalan ni Donald Trump upang magwagi sa halalan sa pagkapangulo.
Nitong nakalipas na mahigit 40 taon, napatunayan ng mga praktika na ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano ay makakapaghatid ng napakalaking benepisyo sa dalawang bansa at iba pang bansa sa daigdig.
Pero sa ilalim ng manipulasyon ng ilang pulitikong Amerikano na naghahanap ng sariling interes, nahaharap ang relasyong Sino-Amerikano sa pinakamatinding hamon sapul nang ito ay itatag.
Ang isyu ng Taiwan ay may kinalaman sa nukleong interes ng Tsina, at ito ay nagsisilbing pinakamahalaga't pinakasensitibong isyu sa relasyon ng Tsina at Amerika.
Walang duda, ang paglalaro ng mga pulitikong Amerikano ng "Taiwan card" ay ibayo pang magpapasidhi sa kontradiksyon ng dalawang bansa, at magbubunsod ng mas maraming di-tiyak na elemento sa bilateral na relasyon.
Hinihimok ng panig Tsino ang mga pulitikong Amerikano na agarang itigil ang pagpapalitang opisyal sa Taiwan sa anumang porma, at huwag maliitin ang determinasyon at mithiin ng Tsina sa pangangalaga sa soberanya, seguridad at kapakanang pangkaunlaran ng bansa.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |