|
||||||||
|
||
Sa kanyang talumpati sa National Taiwan University nitong Martes, Agosto 11, 2020, siniraan ni Alex Azar, Kalihim ng Health and Human Services ng Estados Unidos ang pagsisikap ng Tsina laban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Aniya, kung lilitaw sa Taiwan, Amerika at iba pang lugar ang coronavirus, posibleng madali itong puksain.
Kaugnay nito, sinabi nitong Miyerkules ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagtigil sa pagsusulong sa pansariling pulitikal na interes at pagpopokus sa pagliligtas ng buhay ng mga mamamayang Amerikano ang tunay na tungkulin ng isang kalihim ng kalusugan.
Saad ni Zhao, sa kasalukuyan, lampas na sa 5 milyon ang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Amerika, at mahigit 160 libo naman ang mga pumanaw.
Aniya, sa harap ng masalimuot na kalagayan ng pandemiya, nagawa pang magsadya ni Azar sa Taiwan para mamulitika, sa halip na atupagin ang pagkontrol sa pandemiya sa kanyang bansa.
Dagdag ni Zhao, sa tatlong araw na pagbisita ni Azar sa Taiwan, mahigit 150 libo ang naging bagong kumpirmadong kaso sa Amerika, at lampas sa 2,000 naman ang mga bagong pumanaw.
Ito aniya ay muling nagpapatunay na mas mahalaga para kay Azar ang personal na kapakanang pulitikal, kumpara sa buhay ng mga mamamayang Amerikano.
Sa kabilang dako, kapansin-pansin ang napakalaking sakripisyo at ginawang ambag ng Tsina para sa paglaban ng buong mundo sa pandemiya, ani Zhao.
Muli ring solemnang inihayag ni Zhao ang buong tatag na pagtutol ng panig Tsino sa pagpapalitang opisyal ng Amerika at Taiwan, sa pamamagitan ng anumang katuwiran.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |