Sa kanyang liham kay Pangulong Arif Alvi ng Pakistan, ipinahayag nitong Biyernes, Agosto 21, 2020 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang pagpapadala ni Pangulong Alvi ng mensaheng pambati sa pagdaraos ng Ikalawang Pulong ng China-Pakistan Economic Corridor (CPEC) Political Parties Joint Consultation Mechanism, ay lubos na nagpapakita ng mataas na pagpapahalaga at pagkatig niya sa relasyong Sino-Pakistani at konstruksyon ng CPEC. Aniya, lubos niyang hinahangaan ito.
Tinukoy ni Xi na ang CPEC ay landmark project sa ilalim ng konstruksyon ng "Belt and Road." Ito aniya ay may mahalagang katuturan para mapasulong ang China-Pakistan all-weather strategic cooperative partnership at pagtatatag ng mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng dalawang bansa.
Dagdag pa ni Xi, ang madalas na pagkakaroon ng mapagkaibigang pagsasanggunian ng mga partidong Tsino at Pakistani at walang humpay na pagtitipun-tipon ng pagkakasundong pulitikal, ay nakakatulong sa konstruksyon ng CPEC at "Belt and Road" sa mataas na kalidad.
Salin: Lito