|
||||||||
|
||
Isinumite nitong Linggo, Agosto 23, 2020 ng Food and Drug Administration ng Amerika ang isang emergency authorization kung saan pinahihintulutan ang paggamit ng mga organong medikal ng bansa ng convalescent plasma para sa panggagamot sa mga may Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa ospital.
Anang FDA, ang kapasiyahang ito ay isang mahalagang progreso sa proseso ng paglaban sa pandemiya ng COVID-19.
Batay sa mga umiiral na ebidensyang pansiyensiya, ipinalalagay ng FDA na mabisa ang convalescent plasma para sa pagpapahupa ng kalagayan ng mga may sakit sa ospital o pagpapaikli ng panahon ng paggaling.
Ang mga nakatagong bentahe ng paggamot sa pamamagitan ng plasma ay mas malaki kaysa sa nakatagong panganib.
Sinabi ni Alex Azar, Health and Human Services Secretary ng Amerika, na sa kasalukuyan, lampas sa 70,000 nahawahan ng COVID-19 sa bansa ang tinanggap na ng ganitong paraan ng paggamot.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |