Ayon sa ulat ng American media, sinabi ng opisyal ng White House na mula Agosto 3, 2020 (local time), sasailalim ang mga kawani ng White House Complex sa sapilitang random coronavirus test.
Ang kapasiyahang ito ay ginawa pagkaraang magpositibo ang resulta ng pagsusuri sa coronavirus ni Robert O'Brien, National Security Adviser ni Pangulong Donald Trump. Siya ang pinakamataas na opisyal ng pamahalaan ni Trump na kumpirmadong nahawahan ng coronavirus.
Ang kautusang ito ay kasama sa mga ginagawang pagsisikap upang mapangalagaan ang kalusugan at seguridad ng buong White House Complex, ayon sa isang opisyal ng White House.
Ayon sa kanya, tumagal nang ilang buwan ang random test sa mga kawani ng White House, pero ngayon, magsisilbi itong sapilitan, sa halip na kusang-loob.
Salin: Vera