|
||||||||
|
||
Ipinahayag kamakailan ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-Heneral ng World Health Organization (WHO), na dapat iwasan ng buong daigdig ang vaccine nationalism at ipatupad ang planong ibahagi ang limitadong bakuna sa buong mundo. Ito aniya ay talagang angkop sa kapakanan ng iba't-ibang bansa.
Sa katunayan, buong tikis na iginigiit ng ilang politikong Amerikano ang "vaccine egoism," bagay na nakakahadlang at nakakapinsala sa pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sa kasalukuyan, puspusang isinasapubliko ng ilang politikong Amerikano na taglay ng ideya ng zero-sum game, ang bakuna. Walang batayan nilang pinagbibintangan ang Tsina ng "pagnanakaw ng Tsina ng pamamaraan at datos hinggil sa paggawa ng bakuna mula sa Amerika," at sinisiraan nila ang gawain ng pagsubok-yari ng Tsina ng bakuna bilang hakbang para sa "vaccine diplomacy." Bukod dito, buong sikap at napakabilis nilang isinasagawa ang pagsubok-yari at pagkuha ng namumunong karapatan ng paggamit ng bakuna para kumita ng napakaraming pera mula rito.
Ayon sa magasing "Science," may kasunduan na ang pamahalaang Amerikano sa maraming kompanyang parmasyutikal hinggil sa pagbili ng bakuna na nagkakahalaga ng mahigit 6 na bilyong dolyares.
Siyempre, sa anggulo ng lumalalang kalagayang epidemiko, nauunawaan ang labis na pangangailangan ng pamahalaang Amerikano sa mga bakuna. Ngunit sa kabilang dako, para sa mga umuunlad na bansang may nakakaraming populasyon sa buong mundo, nahaharap sila sa mas malinaw na kakulangan sa yaman ng pampubulikong kalusugan.
Ayon sa artikulong inilathala kamakailan ng magasing "the Ecologist" ng Britanya, ang paghahanap ng mga bansang gaya ng Amerika sa mga kandidatong bakuna ay makakabawas ng malaki sa matatamong bilang ng mga bakuna ng mga mahinang populasyon ng mga maliliit na bansa.
Sa seremonya ng pagbubukas ng virtual meeting ng Ika-73 Pulong ng WHO noong nagdaang Mayo, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na makaraang matagumpay na masubok-yari at gamitin ng Tsina ang COVID-19 vaccine, gagamitin ang mga ito bilang pampublikong produkto sa buong mundo para makapagbigay ng ambag sa paggamit ng mga umuunlad na bansa ng mga bakuna. Nakatawag ang pangakong ito ng lubos na paghanga at papuri ng malawak na masa ng mga umuunlad na bansa, partikular na mga bansang Aprikano.
Kung nais pasulungin ang pantay at makatwirang pagbabahaginan ng mga bakuna, di-puwede itong tapusin sa pamamagitan ng puwersa o lakas ng Tsina lamang. Kinakailangan nito ang pagsasabalikat ng mas maraming bansa, partikular na mga maunlad na bansa, ng kanilang karapat-dapat na responsibilidad.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |