|
||||||||
|
||
Lumahok sa pamamagitan ng video link nitong Agosto 24, 2020, sa Great Hall of the People sa Beijing, si Premiyer Li Keqiang ng Tsina sa Ika-3 Lancang-Mekong Cooperation (LMC) Leaders' Meeting.
Lumahok din sa pulong sina Punong Ministro Thongloun Sisoulith ng Laos, Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya, Pangulong Win Myint ng Myanmar, Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand, at Punong Ministro Nguyen Xuan Phuc ng Biyetnam.
Ipinahayag ni Li na nitong 4 taong nakalipas sapul nang itatag ang mekanismo ng LMC, mabilis na umuunlad ang kooperasyon, na mabisang pinasigla ang pag-unlad ng rehiyong ito at dinulot ang aktuwal na benepisyo para sa mga mamamayan ng iba't ibang bansa.
Iniharap ni Li ang 6 na mungkahi hinggil sa pagpapalakas ng LMC:
Una, ibabahagi ng Tsina sa ibang mga bansa sa Lancang-Mekong River ang mga makokolektang impormasyon tungkol sa kalagayan ng tubig sa ilog na ito. Ikalawa, isasagawa ang pag-uugnay ng LMC at New International Land-Sea Trade Corridor. Ikatlo, palalalimin ang kooperasyon ng sustenableng pag-unlad. Ikaapat, patataasin ang kooperasyon sa pampublikong kalusugan. Ikalima, palalakasin ang kooperasyon sa larangang may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan. Ikaanim, pasusulungin ang pagpapalitan sa pagitan ng LMC at iba't ibang mekanismo ng subrehiyonal na kooperasyon.
Lubos na pinahahalagahan ng mga kalahok na lider ang bunga na natamo ng LMC, komprehensibong pinapurihan ang mga mungkahi na iniharap ni Premiyer Li. Nakahanda silang magsikap, kasama ng Tsina, para pasulungin ang integrasyon ng kabuhayang panrehiyon at pangalagaan ang mutilateralismo.
Ang Myanmar ay susunod na tagapangulong bansa ng LMC.
Inilabas sa pulong ang Vientiane Declaration at Co-Chairs' Statement On Synergizing the Mekong-Lancang Cooperation and the New International Land-Sea Trade Corridor
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |