Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Wang Yi, dadalaw sa 5 bansa sa Europa

(GMT+08:00) 2020-08-25 18:34:55       CRI

Sa paanyaya ng mga pamahalaan ng Italy, Netherlands, Norway, Pransya at Alemanya, opisyal na dadalaw si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina sa mga nasabing bansa mula Agosto 25, 2020 hanggang Setyembre 1, 2020.

Ipinahayag ito Agosto 24, 2020 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.

Inaasahan ng Tsina na ang pagdalaw na ito ay magsusulong ng mahalagang adyenda ng Tsina at Europa sa kabuhayan at pulitika, upang magbigay ng mas malaking ambag sa kapayapaan, katatagan at pag-unlad ng daigdig, saad ni Zhao.

Sinabi rin ni Zhao na ito ang kauna-unahang pagbisita ng Ministrong Panlabas ng Tsina pagkatapos makontrol ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Ang kaniyang pagdalaw ay pinananabikan ng mga kinauukulang bansa, na lubos na nagpapakita ng kahalagahan ng ugnayan ng mga panig sa relasyong Sino-Europeo.

Kumakalat pa rin ngayon ang pandemiya ng COVID-19 sa daigdig, kaya nagiging mas maliwanag ang kawalan ng katatagan at walang katiyakan sa kalagayang pandaigdig. Bilang dalawang malakas na puwersa, dalawang malaking pamilihan at dalawang sibilisasyon sa mundo, naging mas mahalaga ang katuturan ng kooperasyon ng Tsina at Europa sa pagpapasulong ng komunidad ng daigdig sa paglaban sa COVID-19, pangangalaga sa multilateralismo, muling pagsisimula ng kabuhayang pandaigdig at iba pang larangan.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>