Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, nakahandang pasulungin pa ang relasyon sa EU

(GMT+08:00) 2020-06-23 10:42:23       CRI

Sa pamamagitan ng video link, kinausap sa Beijing nitong Lunes, Hunyo 22, 2020 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sina Charles Michel, Presidente ng European Council, at Ursula von der Leyen, Presidente ng European Commission. Ipinahayag ni Xi ang kahandaan ng panig Tsino na magsikap kasama ng panig Europeo para mapasulong pa ang relasyong Sino-Europeo sa "post-pandemic era."

Idinaos nang araw ring iyon ang Ika-22 Pagtatagpo ng mga Lider ng Tsina at Unyong Europeo (EU) via video link. Magkakasama itong pinanguluhan nina Premyer Li Keqiang ng Tsina, Charles Michel, at Ursula von der Leyen. Ito ang unang opisyal na pagtatagpo ng mga lider ng Tsina at bagong EU.

Diin ni Xi na anumang pagbabago ng situwasyong pandaigdig, papanigan ng Tsina ang multilateralismo. Laging iginigiit ng Tsina ang magkakasamang pagsasanggunian, pagtatatag, at pagtatamasa bilang ideya ng pagsasaayos ng buong daidig, dagdag pa niya.

Ipinahayag naman ng panig Europeo, na sa matapat na atityud, handa itong isagawa ang estratehikong diyalogo sa panig Tsino para mapalawak ang komong palagay. Nakahanda din anilang palakasin ng EU ang pakikipagkooperasyon sa panig Tsino sa mga larangang gaya ng pagsubok-yari ng bakuna ng COVID-19, at pagpapanumbalik ng produksyon para matamo ang mas maraming progreso sa kanilang mga larangang pangkooperasyong kinabibilangan ng pagpapalawak ng saklaw ng bilateral na kalakalan, pagpapasulong ng luntian, low-carbon, at digital economy.

Dagdag pa nila, iginigiit ng EU ang multilateralismo. Nakahanda anila ang EU na palakasin ang pakikipagkoordinahan at pakikipagtulungan sa panig Tsino sa mga balangkas na gaya ng United Nations (UN), World Trade Organization (WTO), at G20, sa mga mahalagang isyung tulad ng kaligtasan ng pampublikong kalusugan at pagbabago ng klima.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>