Kaugnay ng walang pahintulot na pagpasok ng eroplanong militar ng Amerika sa no-fly zone ng pagsasanay ng Tsina, sinabi nitong Martes, Agosto 25, 2020 ni Wu Qian, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na ito ay walang dudang aksyong probokatibo. Buong tatag na tinututulan ito ng panig Tsino, at iniharap na sa panig Amerikano ang solemnang representasyon.
Saad ni Wu, ang walang pahintulot na pagpasok ng U-2 high altitude reconnaisance aircraft ng Amerika sa no-fly zone ng live-fire drill ng Northern Theater Command ng People's Liberation Army (PLA) ay malubhang nakaapekto sa normal na pagsasanay ng panig Tsino, at matinding lumabag sa panuntunan ng mga aksyong panseguridad sa dagat at himpapawid ng Tsina at Amerika at mga kaukulang normang pandaigdig. Madali itong humantong sa maling pagkaunawa at maling pagtasa, maging ng aksidenteng pandagat at panghimpapawid.
Aniya, hiniling ng panig Tsino sa panig Amerikano na agarang itigil ang ganitong aksyong probokatibo, at pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Salin: Vera