Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ikalawang Estratehikong Diyalogo ng Tsina at Pakistan, idinaos

(GMT+08:00) 2020-08-22 10:42:39       CRI

Baoting, probinsyang Hainan ng Tsina — Idinaos nitong Biyernes, Agosto 21, 2020 nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina at Moeen Qureshi, Ministrong Panlabas ng Pakistan, ang Ikalawang Estratehikong Diyalogo ng Tsina at Pakistan.

Ipinahayag ni Wang na ang mataas na pagtitiwalaang pulitikal ay esensya ng relasyong Sino-Pakistani, at ang matatag na pagkakatigan sa isa't-isa ay ang mabuting tradisyon ng kanilang relasyon. Aniya, kahit anong pagbabago ng situwasyong panrehiyon at pandaigdig at kahit anong kahirapan at hamong kahaharapin, hindi nagbabago ang patakaran ng Tsina sa Pakistan.

Ipinagdiinan ni Wang na sa kasalukuyang kalagayan, dapat ibayo pang palakasin ng Tsina at Pakistan ang pagkokoordinahan at pagtutulungan para mapangalagaan ang komong estratehikong kapakanan ng dalawang bansa at makapagbigay ng ambag sa pagpapasulong ng kapayapaan, katatagan, at kaunlarang panrehiyon. Dapat din aniyang patuloy na palakasin ng dalawang bansa ang kanilang kooperasyon sa pakikibaka laban sa COVID-19 upang magkasamang mapagtagumpayan ang epidemiya.

Ani Wang, nakahanda ang panig Tsino na agarang ibahagi sa panig Pakistani ang karanasan ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya. Patuloy aniyang isasagawa ng Tsina ang pakikipagkooperasyon sa Pakistan sa larangan ng materiyal, at ipinapauna ang Pakistan bilang pandaigdigang katuwang sa pagsubok-yari ng bakuna ng COVID-19.

Sinabi pa ni Wang na dapat palakasin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng pinansya, agrikultura, at pagbabawas ng kalamidad, at dapat magkasama nilang isakatuparan ng mabuti ang kasunduan ng malayang kalakalang Sino-Pakistani sa ikalawang yugto para mapasulong pa ang kanilang bilateral na relasyon.

Ipinahayag naman ni Qureshi na may matatag na estratehikong pundasyon ang relasyong Pakistani-Sino. Matatag aniyang sinusuportahan ng Pakistan ang lahat ng nukleong kapakanan at malaking pagkabahala ng panig Tsino.

Pinasalamatan din niya ang ibinibigay na malaking pagkatig at tulong ng panig Tsino sa pakikibaka ng Pakistan laban sa epidemiya. Umaasa siyang isasagawa ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa iba't-ibang larangang kinabibilangan ng pagsubok-yari ng bakuna. Tinututulan ng Pakistan ang pagsasapulitika ng at paninira gamit ang epidemiya, dagdag pa niya.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>