|
||||||||
|
||
Kaugnay ng pagbabawal ng Amerika sa TikTok, ipinahayag dito sa Beijing nitong Huwebes, Agosto 20, 2020 ni Tagapagsalita Gao Feng ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na hinihimok ng panig Tsino ang panig Amerikano na iwasto ang mali nitong nagawa, itigil ang walang batayang pagpigil at pag-atake sa kompanyang Tsino, at gumawa ng mas maraming bagay na nakakabuti sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan at benepisyo ng mga mamamayang Sino-Amerikano.
Sinabi ni Gao na walang duda, ang ipinataw na sangsyon at pagpigil ng panig Amerikano ay nakakapinsala sa kompiyansa ng mga mamumuhunan sa Amerika. Aniya, buong tinding tinututulan ng panig Tsino ang paggamit ng pagsusuri sa seguridad ng pamumuhunan sa bansa bilang kagamitang pulitikal, at ang kagawian ng pagmamalabis ng pagsusuri sa seguridad.
Diin pa niya, matatag at hindi nagbabago ang determinasyon ng pamahalaang Tsino sa pangangalaga sa makatuwiran at lehitimong karapatan at kapakanan ng mga sariling kompanya.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |