Sa kanyang talumpating pinamagatang "Pagkakaisa at Pagtutulungan, Pagbubukas at Inklusibidad; Magkakasamang Pangangalaga sa Makabagong Tunguhin ng Kapayapaan at Kaunlaran ng Sangkatauhan," nitong Linggo, Agosto 30, 2020 (local time), sa Instituto ng Pananaliksik sa Relasyong Pandaigdig ng Pransya, sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na laging sumusulong ang pangkalahatang tunguhin ng siglo.
Aniya, hindi sinusuportahan ng mga tao ang anumang kilos na taliwas sa tunguhing ito, at imposibleng mapananatili ang ganitong gawain sa mahabang panahon.
Dagdag niya, alinsunod sa responsableng atityud sa kinabukasan at kapalaran ng sangkatauhan, dapat kumilos ang Tsina at Europa ayon sa pundamental na kapakanan ng mga mamamayang Tsino at Europeo para magkasamang mapigilan ang panunulsol ng pagkapoot at komprontasyon.
Salin: Lito