|
||||||||
|
||
Mahigpit na kinondena ng Tsina ang probokasyon ni Milos Vystrcil, Ispiker ng Senado ng Czech Republic, at ang puwersang kontra-Tsina sa likod niya.
Ipinahayag ito Agosto 31, 2020, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, bilang tugon sa pagbisita ni Milos Vystrcil sa Taiwan.
Hinimok ng Tsina ang Czech Republic na agarang isagawa ang hakbangin para mapahupa ang maling epekto na dulot ng naturang masamang aksyon, at maiwasang mapinsala ang bilateral na relasyon ng Tsina at Czech Republic, mariing pahayag ni Zhao.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |