Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: Ilang politikong Amerikano, tumatahak sa landas ng kawalang suporta

(GMT+08:00) 2020-09-02 16:17:46       CRI

Pinuna kamakailan sa social media ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, ang Tsina na umano'y ang pag-unlad ng kabuhayang Tsino ay sa kapinsalaan ng kapaligiran.

Kaugnay nito, ipinahayag ni Tagapagsalitang Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dapat muna suriin ni Pompeo ang mga nagawa ng kanyang sariling bansa.

Bilang malaking bansa sa emisyon ng greenhouse gas sa buong daigdig, ipinatalastas noong Hunyo, 2017 ng Amerika ang pagtitigil ng pagsasakatuparan ng "Paris Agreement," bagay na grabeng humadlang sa kaukulang proseso ng pagbabawas sa emisyon at pagpapasulong sa berde't low-carbon na pag-unlad ng daigdig.

Bukod dito, bilang pinakamalaking bansang nagluluwas ng solid waste sa daigdig, inililipat ng Amerika ang napakaraming basura sa mga umuunlad na bansa, bagay na nagdudulot ng napakalaking pinsala sa kapaligirang padaigdig.

Ang "berdeng pag-unlad" ay nananatiling isang masusing konsept ng Tsina sa pagsasakatuparan ng de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayan. Nitong ilang taong nakalipas, bumaba nang bumaba ang bolyum ng pagbuga ng pangunahing kontaminente sa Tsina, at malinaw na bumubuti ang kapaligirang ekolohikal.

Sa daigdig, mataimtim na ipinapatupad ng Tsina ang United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC), Paris Agreement, Basel Convention, at iba pa, bagay na nakakapagbigay ng positibong ambag para sa pagsasaayos ng kapaligirang pandaigdig.

Sa katotohanan, bukod sa pangangalaga sa kapaligiran, sapul nang umakyat sa puwesto ang kasalukuyang pamahalaang Amerikano, isinasagawa nito ang paglinlang na "gamitin kung angkop sa sarili, at ibasura kung di-angkop sa sarili" sa halos lahat ng mahalagang kasunduang pandaigdig. Bunsod ng mga bastos at walang-galang na kilos nilang tumatalikod sa tiwala at kredit, walang tigil na tumatahak ang ilang politikong Amerikano sa landas ng kawalang suporta.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>