|
||||||||
|
||
Noong Mayo 4, 1919, dahil sa pagmamani-ubra ng malalaking dayuhang bansa sa karapatan at kapakanan ng Tsina, at diplomatikong pagkabigo ng pamahalaang Tsino, hindi napahintulutan ang mga mamamayang Tsino na kinakatawan ng mga batang estudyante sa Paris Peace Conference. Dahil sa nasabing insulto, sila'y nagdemonstrasyon, at ito'y nakilala sa kasaysayan bilang "May 4th Movement."
Si Matt Pottinger, Deputy National Security Advisor ni Pangulong Donald Trump ng Amerika
Sa talumpating binigkas kamakailan sa University of Virginia ni Matt Pottinger, Deputy National Security Advisor ni Pangulong Donald Trump ng Amerika, binaluktot niya ang "Diwa ng May 4th Movement." Sinabi niyang ang May 4th Movement ay isang uri ng "pupulismo" na kalaban ng kapangyarihang pampubliko. Ginamit din niya ito sa pag-atake sa landas ng pag-unlad ng Tsina.
Ang "May 4th Movement" ay isang dakilang makabayang kilos ng panghihimagsik, at ang nukleo nito ay patriotismo sa halip na "populismo."
Sa harap ng COVID-19 pandemic, bunga ng pagkakaisa ng mga mamamayang Tsino, napawi ang napakalaking kahirapan at natamo ang napakahalagang estratehikong bunga ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.
Sa mahigit 42,000 tauhang medikal na sumugod at nagbigay-tulong sa probinsyang Hubei ng Tsina, mahigit 12,000 ang nasa edad 30 pababa, samantalang ang karamihan sa mga natitira ay nasa edad 20 pababa. Ang mga kabataang Tsinong nagtataglay ng makabayang diwa ay tunay na tagapagsulong ng "Diwa ng May 4th Movement."
Isa sa mga mahalagang bahagi ng diwang ito ay pagbibigay-galang sa siyensiya. Ito rin ay isa sa mga masusing elementong nakamit ng Tsina mula sa estratehikong bunga ng pakikibaka laban sa epidemiya. Mula sa agarang pagsunod sa lockdown, kompulsaryong pagsusuot ng maskara, at iba pang hakbangin, pinatunayan ng mga kabataan na sila ay may napakahalagang papel sa pagkontrol sa epidemiya. Lubos itong hinahangaan ng maraming dayuhang eksperto.
Sa kabilang dako, kanyang paglahok sa mga conflict incident sa pagitan ng Tsina at Amerika, agarang makikitang lipos ng pagkiling sa ideya ng cold war ang isip ni Pottinger. Sapul nang sumiklab ang COVID-19 pandemic, mula sa iresponsableng pagpapangalan sa corona virus, hanggang sa pagpapasulong ng pagsuspinde ng Amerika sa pagkakaloob ng pondo sa World Health Organization (WHO) at iba pa, makikita ang uri ng nakakadiring "palabas" na ginagawa niya.
Dahil sinabi ni Pottinger na lubos niyang nauunawaan ang "May 4th Movement," may nais ipahayag at itanong sa kanya ang mga mamamayang Tsino, at ito ay ang mga sumusunod:
1. Bilang super power sa siyensiya't teknolohiya sa buong daigdig, bakit sobrang gulo pa rin ang proseso ng pagpigil at pagkontrol ng Amerika sa epidemiya?
2. Paano inaksaya ng Amerika ang napakahalagang dalawang buwan, na dapat sana ay ginamit sa paghahanda sa paglaban sa epidemiya, noong hindi pa ito kumakalat sa bansa?
3. Bakit tinatawag ng pamahalaang Amerikano ang corona virus bilang "big influenza," noong simula? Hindi ba ito malaking panloloko sa sariling mamamayan?
4. Dahil sa mga ito, nasaan ang siyensiya at demokrasiya, at sino ba talaga ang nagsisinungaling sa mga inosenteng mamamayang Amerikano?
Isandaan at isang taon na ang nakararaan nang ilunsad ang "May 4th Movement." Sa panahong iyon, hindi pumayag ang mga mamamayang Tsino na mawala ang kanilang karapatan at masira ang dignidad ng sariling bansa. Katulad noon, hinding-hindi rin yuyukod ang mga mamamayang Tsino sa anumang presyur ng mga kanluraning bansa.
Salin: Lito
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |