Magkasamang nakipagusap sa media Setyembre, 1, 2020, sa Berlin, sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Heiko Josef Maas, Ministrong Panlabas ng Alemanya.
Ipinahayag ni Wang na ang pagdalaw niya sa 5 bansa ng Europa ay kauna-unahang pagdalaw ng Ministrong Panlabas ng Tsina sa Europa sa gitna ng patuloy na paglaban sa pandemiya. Ito rin ay mahalagang estratehikong pakikipagtalakayan ng Tsina at mga bansang Europeo sa background ng pagdami ng walang katiyakang elemento ng kalagayang pandaigdig.
Lubos na pinahahalagahan ng 5 bansa ang relasyon nila sa Tsina, umaasa silang muling simulan ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa Tsina sa lalong madaling panahon, at nakahanda silang palakasin ang koordinasyon sa Tsina, para magkakasamang harapin ang mga hamon sa buong daigdig.
Sinabi ni Wang na malalim ang naging pag-uusap niya sa mga lider at Ministrong Panlabas ng 5 bansa, at narating nila ang malawak na komong palagay, pangunahin na, sa susunod na 3 larangan: una, dapat igiit ang multilateralismo, at tutulan ang unilateralismo; ikalawa, palakasin ang kooperasyon at tutulan ang pagkakahiwalay; ikatlo, dapat mapangalagaan ang pangkalahatang kalagayan ng relasyong Tsino-Europeo, at maayos na hawakan ang mga pagkakaiba.
Salin:Sarah