|
||||||||
|
||
Nitong Linggo, Agosto 30, 2020, nagtalumpati sa French Institute for International Relations, Paris, si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlanbas ng Tsina.
Saad ni Wang, ang kasalukuyang taon ay ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Unyong Europeo (EU).
Aniya, nitong nakalipas na 45 taon, laging pinahahalagahan ng Tsina ang katayuan at papel ng EU, at kinakatigan ang pagpapatingkad ng Europa ng mas malaking papel sa mga suliraning pandaigdig.
Dagdag niya, sa masusing panahon ng paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at paghahanap ng pagbangon ng kabuhayan, dapat ibayo pang palakasin ng Tsina at Europa ang pagkakaisa at pagtutulungan, at buong sikap na itatag ang kanilang partnership.
Taos pusong inaasahan ni Wang na mapapanatiling matatag at pangmalayuan ang relasyong Sino-Europeo, patuloy itong uunlad sa mas mataas na lebel, at lilikhain ang mas magandang kinabukasan ng sangkatauhan.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |