|
||||||||
|
||
Nakipagtagpo nitong Martes, Setyembre 1, 2020 sa palasyong pampanguluhan sa Berlin si Pangulong Frank-Walter Steinmeier ng Alemanya kay Wang Yi, dumadalaw na Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina.
Ipinagdiinan ni Steinmeier na sa mula't mula pa'y pinahahalagahan ng kanyang bansa ang relasyon sa Tsina, at nakahandang panatilihin at palalimin ang mas mahigpit at pangmalayuang pakikipag-ugnayan sa Tsina.
Inulit din niya ang paggigiit sa simulaing "Isang Tsina," at paninindigan para sa multilateralismo sa harap ng mga suliraning pandaigdig.
Saad naman ni Wang, sa kalagayan ng normalisasyon ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo, ang kanyang pagdalaw sa Alemanya at Europa ay nagpapakita ng pagpapahalaga at pananabik ng panig Tsino sa relasyong Sino-Aleman at Sino-Europeo.
Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng panig Aleman at Europeo, na magkakapit-bisig na magpunyagi para gumawa ng paghahanda ng mga mahalagang agenda sa susunod na yugto.
Nanawagan din siyang palakasin ang pandaigdigang kooperasyon kontra pandemiya habang iginigiit ang multilateralismo, tutulan ang mga unilateral na aksyon ng hegemonismo, at pangalagaan ang pundamental na norma ng relasyong pandaigdig at katarungang pandaigdig.
Nagpalitan din ng kuru-kuro ang kapuwa panig tungkol sa mga isyung kapuwa nila pinahahalagahan na gaya ng kasalukuyang kalagayang pandaigdig, kooperasyong Sino-Aleman at iba pa.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |