French Institute for International Relations, Paris—Sa kanyang talumpating pinamagatang "Pagkakaisa, Pagtutulungan, Pagbubukas at Pagbibigayan; Magkasamang Pangangalaga sa Tunguhin ng Progreso ng Kapayapaan at Kaunlaran ng Sangkatauhan," nitong Linggo, Agosto 30, 2020, sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina na sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), hinanap ng mga mamamayang Tsino ang isang matagumpay na landas ng pag-ahon at pag-unlad, na kilala rin bilang landas ng sosyalismong may katangiang Tsino.
Aniya, nitong nakalipas na 70 taon sapul nang itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina, lalong lalo na, noong nagdaang 40 taon ng pagsasagawa ng reporma't pagbubukas, ang Tsina sa mula't mula pa'y tagapagtatag ng kapayapaan ng daigdig, tagapagtanggol sa kaayusang pandaigdig, tagapagpasulong sa globalisasyon, at tagapag-ambag ng kaunlaran ng mundo.
Diin ni Wang, ang landas ng pag-unlad na pinili ng mga mamamayang Tsino ay sumusunod sa mithiin ng 1.4 bilyong mamamayang Tsino, at galaw ng panahon na nahahangad ng kapayapaan at kaunlaran.
Ang naturang landas ay makakabuti, hindi lamang sa Tsina, kundi rin sa buong mundo, kaya dapat patuloy at buong tatag na tatahakin ito, dagdag niya.
Salin: Vera