Sinabi kamakailan ni Kong Quan, Pangalawang Direktor ng Lupon ng mga Suliraning Panlabas ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) na sa harap ng matinding hamon sa relasyong Sino-Amerikano, dapat gawin ng panig Amerikano ang positibong tugon sa paninindigan ng panig Tsino, at batay sa paggagalangan, iwasan ang sagupaan at komprontasyon, masipag na kontrolin ang pagkakaiba, aktibong palawakin ang kooperasyon, at pasulungin ang pagbalik ng relasyong Sino-Amerikano sa tumpak na landas sa lalong madaling panahon.
Tinukoy ni Kong na sa simula nang manormalisa ang relasyong Sino-Amerikano, ang relasyon ng dalawang bansa ay nakabatay sa pagkilala at paggalang ng kapuwa panig sa pagkakaiba ng sistemang panlipunan at nukleong interes ng isa't isa.
Sa ilalim ng ganitong kondisyon, ang pagsasakatuparan ng kooperasyong may win-win na resulta sa pamamagitan ng diyalogo at negosasyon ay susi ng kinabukasan ng relasyong Sino-Amerikano.
Dagdag niya, nananawagan ang maraming personaheng Amerikano na magmatyag sa grabeng resultang dulot ng kaligaligan ng relasyon ng dalawang bansa, at magsagawa ng pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa mga bansang gaya ng Tsina, upang magkasamang mapasulong ang kapayapaan, kaunlaran at kasaganaan ng daigdig.
Salin: Vera