|
||||||||
|
||
Mariing kinokondena ng Tsina ang pananalita ng ilang puwersa na ang "pagliit ng populasyon ng mga Uygur ay sanhi ng isterilisasyon."
Ito ang ipinahayag Setyembre 2, 2020, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Ani Hua, umabot sa halos 1.3 milyon ang populasyon ng mga Uygur sa Xinjiang noong 2018, na naging mahigit 2 beses mas malaki kumpara noong 40 taong nakaraan.
Ipinahayag din niyang karamihan sa mga impormasyong ginagamit ng Amerika upang siraang-puri ang Tsina ay mula kay Adrian Zenz, "iskolar" na kontra-Tsina.
Tiyak na malubha siyang parurusahan ayon sa batas dahil sa kanyang pagkakalat ng kasinungalingan.
Buong tatag na tinututulan ng Tsina ang iresponsableng pagkakalat ng walang katotohanang pananalita dahil sa may pagkiling na idelohiya, saad ni Hua.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |