|
||||||||
|
||
Hanggang 24:00H, Setyembre 1, 2020, walang naitalang bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at asymptomatic na pasyante sa Xinjiang ng Tsina sa loob ng nakaraang 15 araw.
Kaugnay nito, maayos na pinapasulong ang pagkontrol ng COVID-19, at sunud-sunod na pinapanumbalik ang normal na kaayusan ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Tuluy-tuloy ring dinidispekta ng lokal na pamahalaan ng Urumqi, kabisera ng Xinjiang ang mga pampublikong lugar at daanan.
Sa kasalukuyan, ibinabalik na ang mga linya ng bus, at unti-unting nagbubukas ang mga parke at scenic spot.
Ayon sa departamento ng kultura at turismo ng Xinjiang, mula Setyembre 2, binuksang muli ang mga outdoor scenic spot, at paglalakbay sa ibang lalawigan.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |