|
||||||||
|
||
Isang virtual roadshow ang ginanap Setyembre 3, 2020 para tipunin ang startup at innovation ecosystem players ng Tsina at Pilipinas, at i-ugnay ang potensyal ng industriya ng dalawang bansa. Humigit-kumulang 120 kinatawan mula sektor ng startup at inobasyon, at pamahalaan ay lumahok sa webinar.
Pinamagatang "The Innovation and Investment Ecosystem in the Philippines and China," ito'y inihatid ng Department of Trade and Industry-Philippine Trade and Investment Center (DTI-PTIC) ng Shanghai at Hong Kong at ng GSMA.
Mga ispiker
Ang GSMA ay isang organisasyong pang-industriya ng mobile operators sa buong mundo. Layon nitong i-convene o tipunin ang buong industriya na may 750 mobile operators at 400 kumpanya na bahagi ng pandaigdigang mobile ecosystem. Kilala ito sa mga business to business events na ginaganap sa Shanghai, Barcelona at Los Angeles.
Ecosystem ng mga startups ng Tsina't Pilipinas, masigla; potensyal ng pagnenegosyo, malaki
Ayon kay Chen Sihan, Puno ng Greater China ng GSMA, ang inobasyon ay isinama sa estratehiyang pampamahalaan ng Tsina. Mayroong magandang mga polisiya ang gobyerno para sa mga startup na sinusuportahan ang inobasyon at teknolohiya.
Dagdag niya, alok ng China market ang magandang pagkakataon para sa mga startups mula sa ibayong dagat. At sa mga matagumpay na kumpanyang Tsino na may planong palawigin ang negosyo sa ibang bansa, sabi ni Chen, ang Pilipinas ay isa sa mga kompetitibong investment destination sa rehiyon. Ang GSMA ay magiging tulay para rito, aniya pa.
Si Chen Sihan
Malaki ang pinagbago ng startup ecosystem sa Pilipinas nitong ilang taong nakalipas. Sa gitna ng epekto ng COVID-19 pandemic, ito ay naging masigla at lumalago. Sinusuportahan ng pamahalaan ng Pilipinas ang mga startups at ang bansa ay nagsisimulang makilala bilang innovation hub na may lumalaking bilang ng mga bagong tatag na kumpanya.
Ibinahagi ni Rafaelita Aldaba, DTI Undersecretary for Competitiveness and Innovation ang ilang matagumpay na startups gaya ng Farmwatch Solutions, edukasyon.ph, paymongo, MEDCHECK, Transitfix, 1EXPORT, Rumarocket, F.A.M.E., DATOS at marami pang iba.
Si Rafaelita Aldaba
Isinalaysay naman ng IdeaSpace Foundation ang kalagayan ng startups at programa ng incubation sa Pilipinas. Samantalang ikunuwento ng Tuya Smart ang success story nito di lamang sa loob ng Tsina kundi maging sa ibang mga bansa gaya ng Timog-silangang Asya, Amerika at Europa.
Ibinahagi naman ni Glenn Penaranda, Commercial Counsellor ng PTIC-Beijing na hangad ng kanyang tanggapan na higit pang palaguin ang ecosystem sa Pilipinas.
Kinilala niya ang nangungunang papel ng mga startups sa innovation-led growth sa panahon ng new normal. Pero inaming marami pang kulang o gaps sa business services, teknolohiya at sistema ng pananalapi.
Aniya pa, batay sa Global Startup Ecosystem Report 2020, ang Pilipinas ay nasa ika-36 na puwesto sa Top 100 emerging ecosystems sa mundo. Kaya ang virtual roadshow ay magandang pagkakataon upang hanapin ang mga partners sa Tsina at malaman ang mga pamamaraan upang mas lumago pa ang Manila ecosystem na ngayong ay nagkakahalaga ng 1.6 na bilyong dolyares.
Si Glenn Penaranda
Isinapubliko rin ni Penaranda na lalahok ang Pilipinas bilang Guest Country of Honor sa China International Fair Investments and Trade (CIFIT) na gaganapin sa Xiamen sa darating na Setyembre 7-11, 2020. Itatanghal sa Philippine pavilion ang oportunidad sa pagnenegosyo sa mga larangan ng manupaktura, pagkain, kalakalan ng serbisyo at bilihin at higit sa lahat ang Philippine startup ecosystem.
Puno ng mga pagsubok ang taong 2020 dahil sa pandemiyang dulot ng COVID-19, at apektado ang galaw ng kalakalan at pagnenegosyo. Pero, salamat sa teknolohiya patuloy ang engagement o ugnayan ng iba't ibang sektor. Sa hinaharap inaasahang mas lalaki pa ang papel ng startups at inobasyon sa pag-unlad ng ekonomiya ng mga bansa. Ito ang isa sa magiging haligi ng digital economy na tiyak na magbabago sa pamumuhay ng mga tao.
Artikulo: Mac Ramos
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |