Huwebes ng hapon, Setyembre 3, 2020, sinalubong ng mga opisyal ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ang grupo ng nucleic acid test mula sa Chinese mainland na binubuo ng 206 na miyembro.
Hanggang sa kasalukuyan, ipinadala na ng Chinese mainland ang 427 tauhan para tulungan ng pamahalaan ng HKSAR sa pagsasagawa ng nucleic acid test, at magkasamang paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sa seremonya ng pagsalubong, magkakasunod na ipinahayag ng maraming opisyal ng HKSAR na sa paanyaya ng pamahalaan ng Hong Kong, mabilis na umaksyon ang pamahalaang sentral, at nagpadala ng grupo ng nucleic acid test, bagay na nagbigay ng malaking tulong sa gawain kontra pandemiya ng Hong Kong.
Salin: Vera