Sa kanyang talumpati nitong Biyernes, Setyembre 4, 2020 sa Global Trade in Services Summit ng 2020 China International Fair for Trade in Services, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na upang mas mabuting mapatigkad ang namumunong papel ng Beijing sa pagbubukas ng industriyang pangserbisyo ng Tsina, susuportahan ng pamahalaang Tsino ang Beijing sa pagtatatag ng comprehensive demonstration zone ng pambansang industriyang pangserbisyo.
Bukod dito, kakatigan ng pamahalaang Tsino ang Beijing sa pagtatayo ng pilot free trade zone na magtatampok ng inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya, pagbubukas ng industriyang pangserbisyo, at digital economy.
Salin: Lito