Xining, probinsyang Qinghai — Ipinahayag nitong Linggo, Setyembre 6, 2020 ni Chen Jian'an, Pangalawang Puno ng Samahang Tsino sa Pagpapasulong ng Kalakalan, na noong unang pitong buwan ng kasalukuyang taon, umabot sa mahigit 5 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas sa pagitan ng Tsina at mga bansa sa kahabaan ng "Belt and Road," bagay na nakapagpatingkad ng mahalagang papel sa paggarantiya sa maalwang lohistika at matatag na pagsuplay ng mga materiyal sa ilalim ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Chen na itatatag ng Tsina ang bagong kayarian ng pag-unlad na nagtatampok sa pagpapa-alwan sa operasyon ng pambansang kabuhayan para mapasulong ang pagbubukas sa mas mataas na lebel.
Ang pangmalayuang pagbuti ng kabuhayang Tsino ay makakapagbigay ng mas maraming pagkakataon para sa buong daigdig, dagdag pa niya.
Salin: Lito