|
||||||||
|
||
Pinapurihan ng Tsina ang Pangulong Miloš Zeman ng Czech Republic sa kaniyang pagsisikap para pasulungin ang pagkakaibigan at kooperasyon ng Tsina at Czech Republic. At kinilala ang palagiang pananangan sa tumpak na paninindigan sa mga mahalaga at sensitibong isyung may kinalaman sa Tsina.
Ito ang ipinahayag Setyembre 7, 2020, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Ipinahayag kamakailan ni Pangulong Zeman na "boyish provocation" ang pagbisita sa Taiwan ni Miloš Vystrčil, Pangulo ng Senado ng Czech Republic, na posibleng makapinsala sa aktuwal na kooperasyon ng Tsina at kaniyang bansa.
Inaasahan rin ni Pangulong Zeman na pagkatapos ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), lalahok siya sa summit ng mga lider ng Tsina at mga bansa ng Gitnang-Silangang Europa na idaraos sa Tsina.
Tinukoy ni Zhao na ang malusog na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Czech Republic ay angkop sa komong kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Umaasa ang Tsina na pasulungin ang pag-unlad ng bilateral ng relasyon ng dalawang bansa batay sa prinsipyo ng paggalang sa isa't isa.
Malugod na tinatanggap ng Tsina ang paglahok ni Pangulong Zeman sa summit ng mga lider ng Tsina at mga bansa ng Gitnang-Silangang Europa.
Salin:Sarah
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |