|
||||||||
|
||
Isang magkakasanib na pahayag ang inilabas ng China Media Group (CMG) at mga Latin-American media partners nito hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyon kontra pandemiya. Nanawagan ang pahayag sa mga media ng Tsina at Latin-Amerika na magbuklud-buklod, para tulungan ang komunidad ng daigdig sa pagpuksa ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at pasulungin ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Latin-Amerika at komunidad ng komong kalusugan ng sangkatauhan.
Ang nasabing joint statement ay inilabas sa Latin-America Partners Media Cooperation Online Forum 2020 na ginanap Biyernes, Agosto 28, 2020.
Ang porum na ito ay magkasamang itinaguyod ng CMG at Economic Commission for Latin America and the Caribbean (ECLAC).
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Shen Haixiong, Presidente at Editor-in-Chief ng CMG, na dapat iulat ng media ang katotohanan, sa halip ng paglikha ng kasinungalingan; dapat pag-isahin ang komong palagay, sa halip ng paglikha ng alitan; dapat labanan ang pandemiya, sa pamamagitan ng siyentipikong paraan, sa halip ng pagbaling ng sisi ng pananagutan sa ibang bansa; at dapat ding ipadala ang kompiyansa, sa halip ng tikis na pagbatikos.
Si Shen Haixiong, Presidente at Editor-in-Chief ng CMG
Aniya, dapat ibayo pang palakasin ng mga media ng Tsina at Latin-Amerika ang kooperasyon, at pasulungin ang konstruksyon ng komunidad ng komong kalusugan ng sangkatauhan, batay sa responsableng pakikitungo at obdyektibo, makatarungan, at tunay na simulain.
Umaasa aniya siyang kokompletuhin ng mga media ng kapuwa panig ang mekanismo ng pagbabahagi ng mga balita, hahanapin ang bagong modelo ng kooperatibong pagkokober, tutularan ang teknolohiya ng new media na gaya ng 5G technology ng isa't isa, at palalakasin ang pagpapalitan, para pasiglahin ang bagong lakas-panulak sa kooperasyon ng media ng Tsina at Latin-Amerika.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |