Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagkalap ng suporta ng mga politikong Amerikano sa "Clean Network," isa pang halimbawa ng diplomasya ng kasinungalingan ng Amerika—Tagapasalitang Tsino

(GMT+08:00) 2020-09-08 15:44:55       CRI

Kaugnay ng paninirang-puri ng mga politikong Amerikano sa Tsina at pagkalap ng suporta para sa "Clean Network," ipinahayag nitong Lunes, Setyembre 7, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na ito ay isa pang halimbawa ng pagsasagawa ng iilang politikong Amerikano ng diplomasyang "We lied. We cheated. We stole."

Nitong Sabado, nag-retweet ang Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos ng pahayag nina Secretary Pompeo at Undersecretary Krach na nagsabing dapat magbuklud-buklod ang buong mundo batay sa isang nukleong komong palagay, alalaong baga'y tatanggihan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang kompetisyon sa pamamagitan ng makatarungan, pantay-pantay at maliwanag na paraan. Nanawagan sila sa lahat ng mga bansa at kompanyang nagmamahal sa kalayaan na sumapi sa "Clean Network."

Hinggil dito, tinukoy ni Zhao na sinisira at nais tuluyang alisin ng iilang politikong Amerikano sa diwa ng malayang pamilihan, walang-kinakampihang kompetisyon at pangangasiwa alinsunod ng batas na laging ipinakakalat ng Amerika. Dapat buong tatag na tutulan aniya ng komunidad ng daigdig ang ganitong kilos ng Amerika.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>