|
||||||||
|
||
Si Han Changfu, Ministro sa Agrikultura at mga Suliranin sa Kanayunan ng Tsina
Dapat kanselahin ang limitasyon sa pagluluwas ng pagkain at mga mahalagang produktong agrikultural.
Ito ang iminungkahi ni Han Changfu, Ministro sa Agrikultura at mga Suliranin sa Kanayunan ng Tsina, sa kanyang paglahok sa Agriculture and Water Meeting ng G20, na idinaos Setyembre 12, 2020.
Tinukoy niya na sa kasalukuyan, kumakalat pa rin ang pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo, at bilang malalaking bansang nagpoprodyus ng pagkain ng buong daigdig, at mahalagang namumunong puwersa, dapat magkaisa ang iba't ibang miyembro ng G20 para mapangalagaan ang kaligtasan ng pagkain at katatagan ng agrikultura ng buong daigdig.
Tungkol sa kaligtasan ng pagkain sa Tsina, ipinahayag ni Han na, lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang pagpoprodyus ng pagkain.
Sa taong ito, isinagawa ng Tsina ang malakas na hakbangin para harapin ang epektong dulot ng COVID-19 at mga kalamidad, na nagtamo ng mainam na bunga.
Idinaos online Setyembre 12, 2020, ng Agriculture and Water Meeting ng G20.
Tinalakay sa pulong ang pagharap sa COVID-19, kooperasyon ng kalakalan sa agrikultura at iba pang tema.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |