|
||||||||
|
||
Sinusuportahan ang Tsina ng maraming bansa sa isyu ng Hong Kong at Xinjiang sa Ika-45 Pulong ng Konseho ng Karapatang Pantao ng United Nations (UN), na idinaos Setyembre 15, 2020.
Buong tatag na tinututulan ng Venezuela ang double standard at pagsasapulitika ng isyu ng karapatang pantao. Sinabi ng kinatawan ng Venezuela, na ang Hong Kong ay di-maihihiwalay na bahagi ng Tsina at ang mga suliranin ng Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina.
Pinapurihan din ng Venezuela ang Tsina sa isinagawa nitong hakbang kontra terorismo sa Xinjiang at ibang rehiyon.
Samantala, ipinahayag naman ng Burundi ang papuri sa Tsina sa itinakdang National Security Law ng Hong Kong. Anang kinatawan ng bansa, ito 'y makakabuti sa paggarantiya ng karapatang pantao ng mga taga-Hong Kong.
Ipinalalagay ng Burundi na ang kaukulang hakbangin ng Tsina sa paglaban sa terorismo sa Xinjiang ay aktuwal na nakabawas sa teroristikong aktibidad.
Sinabi din ng Burundi na mabunga ang mga gawain ng Tsina sa paglaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), pinasalamatan nito ang pamahalaang Tsino sa ipinagkaloob na tulong sa Burundi sa harap ng pandemiya.
Buong tatag na tinututulan ng Burundi ang di-makatuwirang pagbatikos ng ilang bansa sa Tsina sa isyu ng Hong Kong at Xinjiang. Sinabi nitong ang pananalitang ito ay malubhang lumabag sa Karte ng UN at pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig.
Ipinahayag ng Ethiopia na ang mga suliraning panloob ng Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina.
Matatag namang sinusuportahan ng Myanmar ang prinsipyo ng Isang Tsina, at ang patakarang "Isang Bansa, Dalawang Sistema" sa Hong Kong. Hinimok ng Myanmar ang ilang bansa na agarang itigil ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina sa katwiran ng isyu ng Hong Kong at Xinjiang.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |