Sa eksklusibong panayam ng China Global Television Network (CGTN) kamakailan, sinabi ni Carrie Lam, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), na dapat mariing kondemnahin ang pagpapataw ng panig Amerikano ng sangsyon sa mga opisyal na Tsino, sa katwiran ng pambansang seguridad.
Nang mabanggit ang Batas sa Pambansang Seguridad ng HKSAR, saad ni Lam, ang pag-aakit ng mas maraming pagbatikos sa Tsina ay nagpapatunay na magiging mas mabisa ang pagpapatupad ng nasabing batas.
Hinding hindi siya matatakot, maging ang kaniyang mga kasamahan, sa anumang sangsyon, dagdag ni Lam.
Salin: Vera