Sa eksklusibong panayam ng China Global Television Network (CGTN) kamakailan, ipinahayag ni Carrie Lam, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), na walang bagay ang mas mahalaga kaysa kaligtasan at kalusugan ng mga taga-Hong Kong.
Kaugnay ng umano'y pananalitang ang pagpapaliban ng halalang lehislatibo ay dahil sa takot na mabigo, saad ni Lam, noong nagdaang Marso, ipinagpaliban ng Britanya ang halalan ng mga pamahalaang lokal sa Mayo ng susunod na taon. Aniya, ang ginawa ng kanyang pamahalaan ay tamang pagpili para sa kapakanan ng mga mamamayan.
Salin: Vera