Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kinatawan ng Hong Kong: Matatag ang Hong Kong salamat sa National Security Law

(GMT+08:00) 2020-09-16 17:45:30       CRI

 

Idinaos Setyembre 15, 2020 (Geneva local time) ang Ika-45 Pulong ng United Nations Human Rights Council.

Lumahok sa pulong at bumigkas ng video speech si Matthew Cheung Kin-chung, Pangalawang Puno ng Delegasyong Tsino sa Human Rights Council ng UN, at Chief Secretary for Administration ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ng Tsina.

Ipinahayag ni Cheung na ang Hong Kong ay di-maihihiwalay na bahagi ng Tsina. Ang pagtatakda ng National Security Law ay naglalayong harapin ang malubhang banta sa seguridad ng bansa.

Kailangan ang mga hakbangin para sa kaligtasan at katatagan ng Hong Kong. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng National Security Law, magiging mas matibay ang framework ng patakarang "Isang Bansa, Dalawang Sistema" sa Hong Kong.

Epektibo ang National Security Law ng Hong Kong sa pagpapanumbalik ng katatagan ng Hong Kong, napigilan ang karahasan sa Hong Kong, ayon pa kay Cheung.

Sinabi pa niya na ang National Security Law ng Hong Kong ay napakahalaga sa pangangalaga ng soberanya, kaligtasan at kapakanan ng pag-unlad ng bansa. Bilang masigla at bukas na pandaigdigang sentro ng pinansyo at komersyo, tiyak na magkakaroon ang Hong Kong ng mas masaganang kinabukasan.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>