|
||||||||
|
||
Hinimok ng Tsina ang Amerika na agarang itigil ang mapanganib na probokasyon para maiwasan ang aksidente.
Ito ang ipinahayag Setyembre 16, 2020, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Ayon sa ulat, ginaya kamakailan ng eroplanong pang-espiya ng Amerika ang transponder code ng eroplanong pansibilyan ng isang airliner ng Malaysia, para makapagmanman sa kalagayan sa isla ng Hainan at isla ng Xisha ng Tsina.
Hinggil dito, tinukoy ni Wang na umabot sa mga 100 beses ang ganitong klaseng akdibidad ng Amerika.
Binigyang diin niyang ito'y malubhang lumabag sa pandaigdigang regulasyong panghimpapawid at grabeng nagbanta sa kaligtasan ng Tsina at ibang bansa sa rehiyong ito.
Buong tatag itong kinokondena at tinututulan ng Tsina, saad niya.
Sa kabila nito, ipinahayag ni Wang na patuloy na magsisikap ang Tsina, kasama ng ibang bansa sa rehiyong ito, para mapangalagaan ang kalayaan at kaligtasan ng paglalayag at paglipad sa South China Sea, at ipagsanggalang ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Salin:Sarah
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |