|
||||||||
|
||
Sa kanyang paglahok kamakailan sa programang pinamagatang "Pakikipagdiyalogo kay Paulson" na pinanguluhan ni Hank Paulson, dating Kalihim ng Tesororya ng Amerika, ipinahayag ni Cui Tiankai, Embahador ng Tsina sa Amerika, na dahil sa mga pagkakaiba sa kasaysayan, tradisyong historikal, pulitika, sistemang pangkabuhayan, at iba pa, di maiiwasang umiral ang alitan sa pagitan ng Tsina at Amerika.
Ngunit, sinabi niya na mas malaki ang komong kapakanang Sino-Amerikano kumpara sa kanilang alitan. Kung may sapat na mithiing pulitikal ang dalawang panig, mas maraming benepisyo ang matatamo sa kooperasyong Sino-Amerikano.
Sinabi rin niya na nananatiling malinaw at walang pagbabago ang patakaran ng Tsina sa Amerika. Palagian aniyang umaasa ang Tsina na mapapaunlad ang konstruktibong relasyong pangkooperasyon sa panig Amerikano sa halip ng relasyon ng konprontasyon.
Diin pa niya, may komong responsibilidad ang Tsina at Amerika sa buong daigdig. Dapat nilang itaguyod ang kooperasyon, at magkasamang katigan at pasulungin ang pandaigdigang kooperasyon upang aktibong harapin ang lahat ng hamon.
Salin: Lito
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |