Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, buong tatag na tinututulan ang pagdalaw sa Taiwan ng Pangalawang Kalihim ng Estado ng Amerika

(GMT+08:00) 2020-09-18 17:30:55       CRI

Buong tatag na tinututulan ng Tsina ang pagdalaw sa Taiwan ni Pangalawang Kalihim Keith Krach ng Kagawaran ng Estado ng Amerika.

Ipinahayag ito Setyembre 17, 2020, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.

Iniharap na ng Tsina ang solemnang represantasyon sa Amerika hinggil dito. Gagawa ang Tsina ng kinakailangang reaksyon ayon sa pagbago ng kalagayan, saad ni Wang.

Ayon sa ulat, ipinalabas kamakailan ng Konseho ng Estado ng Amerika na, dadalaw sa Setyembre 19, 2020 sa Taiwan si Keith Krach, para lumahok sa aktibidad ng paggunita kay Lee Teng-hui, dating lider ng Taiwan.

Binigyan-diin ni Wang na buong tatag na tinututulan ng Tsina ang opisyal na pagpapalitan ng Taiwan at Amerika sa anumang paraan. Ang pagdalaw ni Keith sa Taiwan ay malubhang makakasira sa relasyong Sino-Amerikano at sa katatagan ng Taiwan Straits.

Hinimok ng Tsina ang Amerika na sundin ang prinsipyo ng Isang Tsina at regulasyon ng Tatlong Komunike ng Tsina at Amerika, at agarang itigil ang pagpapalitang opisyal ng Taiwan at Amerika, sinabi pa ni Wang.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>